NBI, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pang suspek sa pagkidnap sa Korean national

(Eagle News) — Tinutunton at inaalam pa rin ng nbi ang pagkaka-kilanlan ng lima pang suspek sa pagdukot sa isang koreanong negosyante sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa NBI, tatlo pa lamang mula sa walong suspek ang nakikilala, at kinasuhan ng reklamong kidnapping at serious illegal detention  ng pnp-anti kidnapping group sa DOJ.

Kabilang sa mga suspek sa pagkidnap sa dayuhang si jee ick joo ay isang pulis.

Nasa kustodiya naman  ng PNP-AKG ang kasambahay ng  korean businessman na kasamang tinangay ng biktima nang araw na ito ay madukot.

Ayon sa kampo ng misis ng koreano, ang kanilang kasambahay na pinakawalan ng mga kidnapper ay itinuturing na pangunahing testigo.

https://youtu.be/8PNG3PWrJPQ