Implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act suspendido na

(Eagle News) – Sinuspinde na ng Department of Transportation (DoTr) ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Kasunod ito ng pag-kuwestiyon ng House Committee on Transportation sa pagpapatupad nang hindi dumadaan sa anim na buwang information campaign tulad ng nakasaad sa batas, partikular sa Republic Act (RA) No. 10913.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Atty. Aileen Lizada, susunod sila sa kung ano ang gusto ng mga may akda ng batas.

Pansamantala, tututukan muna ng DOTr ang pagpapakalat ng impormasyon sa Anti-Distracted Driving Act.

https://youtu.be/GoT3B-hwDKk