Nasa P11.5 milyong halaga ng marijuana, sinunog ng PDEA

Ni Nora Dominguez
Eagle News Correspondent

TINGLAYAN, Kalinga (Eagle News) – Nasa labing isang plantation site ng marijuana ang nakubkob ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga barangay ng Butbot at Buscalan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon PDEA Cordillera, nagkakahalaga ng Php-11.5 million ang nadiskubreng marijuana plantation sa nabanggit na lugar.

Binunot at sinunog ng mga operatiba ng PDEA ang nadiskubreng fully grown marijuana sa lugar. Ang isinagawang operasyon ay kaugnay pa rin sa Oplan Linis Barangay at Oplan Non-Buds ng PDEA Cordillera sa pakikipagtulungan ng Tinglayan Police Station at Kalinga Police Provincial Office. (Eagle News Service)