Nasa mahigit na P100k halaga ng ari-arian, tinupok ng apoy

Photo by: Rhizzalyn Bautista at Anjanette Ocampo

Nina Rhizzalyn Bautista at Anjanette Ocampo
Eagle News Correspodents

QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Isang sunog ang nangyari kanina umaga bandang 9:30 sa No. 32 Cooper St., Brgy. Paraiso, Quezon City.  Ayon sa batang saksi na si Gion, sampung taong gulang na unang nakakita na sunog ay nagsimula sa imbakan ng spare parts ng assakyan na nasa loob ng compound nagsimula ang sunog.

Ang mga spare part na ito ay pagmamay-ari ni Joel Manlumin na nangungupahan lamang sa bahagi ng nasabing lote at mayroong spare parts shop sa Banawe.

Ayon sa kaniya, ang mga ito ay mula sa mga insurance company na kaniyang kliyente. Hindi naman ito kumalat pa dahil sa agarang pagresponde ng Bureau of Fire Protection, Station 1.

Umabot sa humigit-kumulang 12 fire trucks ang dumating sa pinangyarihan ng sunog. Iniulat itong fire-out bandang 10:15 din ng umaga.

Hindi pa matukoy ang dahilan ng pagsisimula ng sunog at patuloy sa pagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP.

Tinatayang nasa mahigit na Php-100,000 ang halaga ng nasunog ayon sa Arson Investigation Unit ng BFP.

Wala namang naiulat na casualty sa naturang insidente. (Eagle News Service)