Nasa 33 na kabahayan nasunog sa Valencia City, Bukidnon

Larawang kuha ni Noel D. Dolojan, Eagle News Correspondent

Ni Noel D. Dolojan
Eagle News Correspondent

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) – Umabot sa 33 na kabahayan ang nasunog sa Purok 2, Valencia City, Bukidnon bandang 2:00 ng madaling araw nitong Martes, Marso 13.

Sa panayam kay Lonelyn Salvatiera, nagsimula ang sunog sa gaserang tumilapon sa isang karton ng mag-away ang isang mag-asawa na hindi na pangalan.

Nagising na lamang ang mga kapitbahay sa sigawan ng mga tao kung saan nagsimula ang sunog sa tahanan ng mag-asawa.

Wala halos na naisalbang gamit ang mga nasunugan kundi ilang damit lamang.

Nanawagan naman ang mga residente na nasunugan na sila ay agarang mahatdan ng pangunahin nilang pangangailangan.

(Eagle News Service)