NAIA, handa na sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong bakasyon


MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakahanda na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong bakasyon.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, inatasan niya ang mga local airline na bilisan ang pag-proseso sa mga pasahero at tiyakin na walang mangyayaring mahabang pila sa mga check in counter.

Dapat din aniyang maglagay ng karagdagan air conditioning units’ para masiguro na komportable ang mga pasahero habang naghihintay ng kanilang flights.

Dagdag pa ni Monreal, ipinag-utos din niya ang mahigpit na pagmo-monitor sa mga operasyon ng taxi sa NAIA.