Nagtatapon ng wastewater sa Boracay, binalaan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hinihingi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga permit ng mga establesimiyento sa Boracay na ilegal na nagtatapon ng basura.

Sinabi ni DENR Western Visayas Regional Director Jim Sampulna, ipapakansela nila sa Department of Tourism (DOT) at local government unit (LGU) ang mga permit ng mga establesimiyento kung patuloy na magtatapon sa lugar.

Bago nito, naglabas ng notice sa 12 establesimiyento sa lugar matapos masuri ng mga otoridad na may mga tubo na nagtatapon ng mga basura sa dagat.