Municipal ordinance ukol sa electric fishing, ipinatutupad sa Natividad, Pangasinan

Ang ilan sa mga isinurender ng mga electric fishing (Photo by: Juvy Barraca)

Ni Juvy Barraca
Eagle News Correspondent

NATIVIDAD, Pangasinan (Eagle News) – Ipinatutupad na ng lokal na pamahalan ng Natividad, Pangasinan ang Municipal ordinance ukol sa pagbabawal sa electric fishing at poisoning sa mga ilog sa nasabing lalawigan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Natividad, ang pagsisimula ng ordinansang ito ay naging mahirap dahil bukod sa pagsasaka ay pangingisda sa mga ilog ang isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente ng nasabing bayan.

Dahil dito, nagbigay tulong pinansyal na Php 3000 ang lokal na pamahalaan ng Natividad sa mga may-ari ng kumpletong electric fishing gear na nagsurrender ng kumpletong fishing gear.

Umabot sa 23 ang unang naisurrender na kumpletong fishing gear.

Upang mahikayat pa ang mga nangunguryente ng isda ay nagkaroon pa ng paligsahan sa pamimingwit at pagpana ng isda sa mga taga-Natividad. Dito ay nakita ng Natividanians na mas maganda ang mamingwit at magpana ng isda dahil mas marami silang nakukuhang isda nang sila ay tumigil sa pangunguryente ng isda.

Dagdag pa, nais ng lokal na pamahalaan ng Natividad na kahit sa irrigation canal ay makakakuha ng isda na mapapakinabangan ng mga residente.

(Eagle News Service)