Motor, pumailalim sa truck sa Mindanao Ave., Quezon City


QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kahapon, Setyembre 12, pumailalim ang isang motorsiklo sa truck sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Ayon sa driver ng motorsiklo, magpapaayos sana siya ng sasakyan nang hindi niya napansin  ang isang truck na nag-Uturn.

Ayon naman sa driver ng truck, hindi rin aniya niya napansin ang motorsiklo dahilan upang pumailalim ito sa unahang bahagi ng truck.

Nagtamo ng bali sa tuhod  ang driver ng motorsiklo na agad namang dinala sa Quezon City General Hospital.