MMDA planong magdagdag ng isang lane sa EDSA

(Eagle News) –Pinag-iisipan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad ng pagdadagdag ng isang lane sa kahabaan ng EDSA, ngunit ang kapalit nito ay ang pagpapakipot sa kasalukuyang mga lanes.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sa ilalim ng “road diet” magiging 2.8 meters na lamang ang lawak ng isang lane sa edsa mula sa kasalukuyang 3.4 meters.

Isa aniya ito sa pinag-aaralan ng MMDA na solusyon upang mapagaan ang trapiko.

Kung sakaling maipatupad ito, madaragdagan ng anim na libong mga sasakyan ang capacity ng kalye.

Nakasaad din aniya sa batas na ang pinapayagang lapad ng mga sasakyan ay hindi dapat lumagpas ng 2.5 meters.