MMDA, pinag-aaralan ang mga komento vs QC bridge

(Eagle News) — Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibleng pagbabago sa mga itinayong footbridge sa Quezon City na umani ng batikos sa social media.

Isa na rito ang itinayong footbridge sa GMA-Kamuning station kung saan sinabi ng mga citizen na hindi ito accessible sa mga PWD, matatanda at buntis.

Kaya naman nirereview ngayon ng mmda sa pakikipagtulungan ng engineering department ang pwedeng maging revision sa mga footbridge.

Giit ng MMDA, kailangan umano ng mga footbridge dahil hindi sapat ang pedestrian lanes na kadalasan ay walang assigned personnel na mag-aassist sa mga tatawid dahil sa kakulangan sa manpower.