MMDA, naghain na ng pormal na reklamo laban kay Ma. Isabel Lopez


METRO MANILA, Philippines (Eagle News) — Isinumite na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang kanilang reklamo laban sa aktres na si Ma. Isabel Lopez.

Sa sulat na pirmado ni MMDA Dir. Victor Pablo Trinidad hiniling nito ang pagbawi sa non-professional drivers license ni Lopez bukod pa sa dapat din itong pagmultahin.

Ginamit ng MMDA ang mismong instagram post ni Lopez bilang ebidensiya sa kanilang reklamo.

Base sa inilabas na Show Cause Order, inuutusan si Lopez na humarap sa pagdinig ng LTO Law Enforcement Service sa November 16 ganap na alas-diyes ng umaga (10:00 AM).