Military detachment malapit sa Marawi, inatake ng hinihinalang miyembro ng Maute Group

Inatake ng armadong grupo ang isang military detachment malapit sa Marawi City.

Batay sa ulat, ang kampo ng 55th Infantry Battalion na pinapatakbo ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ay inatake ng mga pinaniniwalaang supporters ng Maute-ISIS terror group sa Lanao Del Sur.

Wala namang napaulat na nasugatan sa nasabing pag-atake.

Dahil sa insidente, mas hinigpitan pa ang seguridad sa Marawi City at nagsasagawa na ng pursuit operations ang mga otoridad laban sa umatakeng grupo sa nabanggit na kampo ng military.