Mga titulo ng lupa, ipamamahagi ng DAR sa mga farmer-beneficiary

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) acting Secretary John Castriciones na mamadiliin nila ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa para sa mga farmer-beneficiary.

Ayon kay Castriciones, sa ilalim ng kanyang liderato, magiging prayoridad ang mga kuwalipikadong magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform Program ng pamahalaan.

Inatasan naman ni Castriciones ang iba pang matataas na opisyal ng ahensya na suriin ang demand ng mga magsasakang nagpoprotesta sa bisinidad ng DAR Central Office.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Castriciones bilang DAR Chief, epektibo noong Disyembre 1.

https://youtu.be/qeDkkVGvwhA