Mga sinehan, dinagsa ng mga manunuod para sa pelikulang “Felix Manalo”

Sinimulan ng ipalabas sa buong bansa ang pelikulang “Felix Manalo”. Ang pelikulang labis na kinasabikan ng mga manunuod lalo na ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng kapatid na Felix Y. Manalo at pagisismula ng gawain ng Iglesia Ni Cristo dito sa Pilipinas.

Maaga pa lamang ay sinimulan na ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa mga lalawigan ng Benguet, Quezon Province, Nueva Ecija at Batangas.

Hanggang sa mga oras na ito ay on-going pa rin ang showing ng pelikulang “Felix Manalo” sa mga sinehan kung saan ay inaasahang patuloy pang dadagsa ang mga manunuod.

(Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)