Mga senador, hati ang pananaw sa dagdag na SSS pension at contribution

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tutol ang mga Senador sa desisyon ng Social Security System na itaas ng dalawang libong piso (Php 2,000) ang buwanang pensiyon ng mga retiradong miyembro kung saan ang pondo ay kukunin sa dagdag kontribusyon ng mga aktibong miyembro.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Franklin Drilon,  bagamat maganda ang layon ng hakbang na tulungan ang mga retirado, lalabag aniya ito sa batas.

Sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 8282, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtataas ng benepisyo kapalit ng pagtataas rin ng kontribusyon ng mga miyembro.

Malinaw aniya sa batas na may kapangyarihan ang SSS na magbigay ng dagdag na benepisyo kada apat na taon na dadaan sa pag apruba ng Pangulo ngunit hindi dapat magpataw ng dagdag singil.

https://youtu.be/iPjPPHWPi20