Mga opisyal at empleyado ng BoC, muling isasailalim sa lifestyle check

(Eagle News) — Muling isasailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kaugnay ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapuksa ang kurapsyon sa kanyang administrasyon.

Nauna dito ay sumulat kay Lapeña ang isang grupo kung saan hinihikayat nila ang opisyal na tingnan ang kayamanan nina Jimmy Guban ng Customs Intelligence Office na naimbestigahan sa P6.8 billion shabu shipment sa Senado.

Ang nasabing ospisyal ay iniuugnay rin sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa.