Mga miyembro ng INC sa Cupang Munti, nagpasalamat sa tagumpay na tinamo sa isinagawang Dakilang Pamamahayag

Nagpasalamat ang mga Iglesia Ni Cristo sa Cupang Muntinlupa sa maalab na pagtanggap ng mga panauhin nila sa kanilang naging imbitasyon. Nagkaroon ng 660 na bilang ng dumalo kabilang na ang mga maytungkulin sa loob ng INC sa lugar na ito. Bagamat di nagtagumpay na makuha ang mahigit 700 na estimated na dadalo ay labis ang tuwa ng mga kaanib sa Iglesia sa tagumpay sa kanilang pakikipagkaisa.

(Eagle News Service Charlene Mae Umpoc)