Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng panibagong rollback

(Eagle News) — Nagpatupad ng panibagong rollback sa presyo ng mga produkto petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas dose uno kaninang hatinggabi (12:01 AM) nang ipatupad ng Chevron Philippines ang Php 0.10 bawas presyo sa kada litro ng gasolina at Php 0.25 sa diesel at kerosene.

Nagpatupad naman ang Eastern Petroleum ng Php 0.35 rollback sa kada litro ng diesel at labinlimang sentimo sa gasolina.

Ala sais naman ng umaga (6:00 AM) ipinatupad ng Flying V, Petron, Total, Petro Gazz, Jetti, PTT at Shell ang Php 0.10 bawas sa kada litro ng gasolina at Php 0.25 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ito na ang ikalawang beses na nagpatupad ng rollback ngayong Disyembre sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil company bunsod ng price adjustment sa international market.