Mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Mariveles, Bataan nagsagawa ng coastal clean-up drive

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang coastal clean-up drive ng mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Matel Beach, Mariveles, Bataan noong Linggo, April 2.

Isinagawa ang nasabing aktibidad upang makatulong sa Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Makaiiwas din aniya ang publiko na pumupunta sa beach sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming basura naitatapon sa dagat.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan