Mga bus, oobligahing gamitin ang PITX – DOTr USec

(Eagle News) — Oobligahin rin sa mga susunod na panahon ang mga bus na gamitin ang bagong bukas na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark De Leon, kapag inobliga ang mga provincial at city bus na gamitin ang PITX ay makatutulong ito para mapabuti ang nasabing terminal.

Pinapaalalahanan aniya nila ang mga bus operator na gamitin ang PITX habang hinihintay pa ang memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na mag-oobliga sa mga bus na gamitin ang terminal.

Sabi pa ni De Leon, naranasan ang ilang problema sa operasyon ng PITX dahil may ilang bus operator ang hindi sumunod sa instructions.