Sunog sumiklab sa Tondo, Manila

MAYNILA, Philippines (Eagle News) – Isang sunog ang nangyari sa residential area sa Antipolo St., J. Abad Santos, Tondo, Manila. Nag-umpisa ang sunog bandang 4:45 ng hapon, noong Huwebes, April 6 sa bahay ni Gng. Tisay Mendoza. Ayon sa kanilang kapitbahay ay kuryente ang pinagmulan ng sunog na umabot pa sa ikalimang alarma.

Tulong-tulong naman ang lahat ng residente upang agad na maapula ang apoy. Nagpasa-pasa sila ng timbang may lamang tubig upang maagapan ang sunog. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumakas ng hanggin. Nakaalerto rin ang Task force Alpha sa lugar. Nasa 10 bahay ang nadamay sa sunog. Naapula ang apoy bandang 7:20 na ng gabi.

Sa kasalukuyan ay hindi malaman kung magkano ang napinsalang ari-arian. Wala namang namatay o casualties sa insidente.

Viczarso Gonzales – EBC Correspondent, Tondo