Sunog sa Putatan, Muntinlupa City, umabot sa 5th Alarm

MUNTINLUPA CITY, Metro Manila (Eagle News) – Isang sunog ang nangyari sa Muntinlupa nitong Martes, ika-13 ng Hunyo.

Nangyari ang sunog sa Marquez Compound, Barangay Putatan, bandang alas 2:00 ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit na kabahayan at gawa lamang ito sa light materials.

Tinatayang nasa mahigit sa 50 kabahayan ang natupok ng apoy.

Umabot din ang nasabing sunog sa 5th alarm.

Bandang 4:00 ng hapon ng ideklarang fire out ang nasabing sunog.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang sanhi ng nasabing sunog.

Melanie dela Cruz – EBC Correspondent, Muntinlupa City