Pekeng optometrist arestado sa Quezon City

Photo grabbed from QCPD facebook page
Photo grabbed from QCPD facebook page

(Eagle News) — Arestado ng Quezon City Police District ang isang nagpapanggap na optometrist sa Quezon City kagabi, Hunyo 5.

Sa isinagawang operasyon ng District Operations Unit tanghali pa lamang ay kanila nang minamatyagan ang suspect.

Sa pamamagitan ng dalawang operatiba ng DSOU nagpanggap ang mga ito na customer na magpapagawa sa suspect na si Amando Duyo.

Kitang-kita sa surveillance video ang isinagawang transaksyon sa pagitan ng suspect at ng mga operatiba ng DSOU.

Nang magpositive nga na illegal ang isinasagawa ng suspect agad na nagkasa ng entrapment operation laban sa kaniya sa Murphy, Cubao.

Ayon sa mga otoridad, 2012 pa lamang mula ng mamatay ang asawa nito na siyang totoong optometrist sa kanilang clinic nang magsagawa na ito ng ilegal na gawain.

Nakakatanggap umano sila ng mga reklamo sa mga concerned citizen kung kaya’t kanilang ikinasa ang surveillance sa suspect.

Narekober sa suspect ang apat na eye glasses, otolefractometer o ang aparato na panukat ng grado ng mata, at ilang mga kagamitan pa ng optometrist.

Samantala kakasuhan naman ng paglabag sa Republic Act 8050 ang suspect o ng unauthorized practice of profession.