Light truck ban sa EDSA, Shaw Boulevard extended hanggang September 15

Light trucks ban sinumulan na ng MMDA

Eagle News — Pinalawig pa hanggang September 15 ang pagbabawal sa pagdaan ng mga ‘light truck’ sa kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard.

Ito ay ayon sa Metro Manila Council (MMC), ang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ilalim ng regulasyon ng MMC, ipagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck na may gross capacity weight na nasa 4,500 kilograms sa mga nasabing daan sa pagitan ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Sa hapon naman ay bawal pa rin ang mga light truck sa pagitan ng alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ayon kay Cris Saruca ng MMC secretariat, lumitaw na naging epektibo sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang ‘light truck ban’ sa naturang lugar nitong nakalipas na mga buwan.