Ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig City, mawawalan ng supply ng tubig

QUEZON CITY (Eagle News) — Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig City simula ngayong araw, Hulyo 5.

Sa abiso ng Manila Water, lima hanggang walong oras ang maaaring itagal ng water service interruption sa mga nabanggit na lugar.

Sa Quezon City, alas 10:00 mamayang gabi (July 5) hanggang alas 4:00 ng umaga bukas, (July 6) ang interruption.

Mawawalan ng supply ng tubig ang bahagi ng Tandang Sora Avenue sapagkat magsasagawa ng pipe replacement ang Manila Water sa lugar.

Sa Marikina naman ay mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas 6:00. ng umaga ang water service interruption.

Mawawalan ng tubig ang bahagi ng Bgy. San Roque dahil naman sa leak repair na gagawin ng Manila Water sa Redwood Cor. Gil Fernando Avenue.

Sa lungsod naman ng Tagiug, mawawalan ng supply ng tubig ang bahagi ng Barangay Pinagsama mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw sapagkat magsasagawa naman ang Manila Water ng line meter declogging sa bahagi ng MRT corner Veterans Road.

Pinapayuhan ang mga mamamayan na mag-ipon na agad ngayon ng sapat na tubig na magagamit sa mga binanggit na panahon.

Nangako naman ang pamunuan ng Manila Water na muling ibabalik agad ang supply ng tubig sa oras na matapos ang kanilang repair and maintenance work.