Hepe ng Teresa Police Station, sinibak matapos mahulihan ng shabu ang isang tauhan nito

Sinibak na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronaldo “Bato” Dela Rosa ang Hepe ng Teresa, Police Station matapos mahulihan ng shabu ang isa sa mga tauhan nito.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na konektado sa convicted drug lord na si Amin Buratong ang naarestong pulis.