DOTr magdaragdag ng 40 ruta ng P2P bus bago matapos ang 2017

(Eagle News) — Magdaragdag ang Department of Transportation (DOTr) ng mas maraming ruta ng Point to Point (P2P) bus bago matapos ang taon.

Ayon sa DOTR, sa pamamagitan ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) ay target na mabuksan ang karagdagang apatnapung P2P routes.

Ang kasalukuyang P2P routes ay mula:

  • Trinoma/Centris sa Quezon City patungong Glorietta 5 sa Makati
  • Robinsons Galleria sa Pasig City patungong Park Square sa Makati
  • Alabang Town Center patungong Greenbelt
  • Sm North Edsa patungong SM Megamall
  • Fairview patungong Makati
  • Alabang patungong Ortigas
  • Starmall Alabang patungong Vista Mall Daang Hari sa Bacoor, Cavite
  • At Starmall Alabang patungong Dasmariñas, Cavite

Hindi naman idinetalye ng ahensya ang idaragdag na ruta.

https://youtu.be/8Q6ngqLcTGw