Bagong school building ng Karuhatan National High School, pinasinayaan na

(Eagle News) — Pinasinayaan na ang bagong school building ng Karuhatan National High School na matatagpuan sa  Valenzuela City.

Pinangunahan ni Valenzuela 2nd District Congressman Eric Martinez ang inaugurasyon.

Ito ay isa sa mga proyekto na ang layon ay mabigyan ng magandang pasilidad ang mga mag-aaral.

Ang barangay Karuhatan ay isa sa may pinakamalaking bilang ng student population.

Ang 4-storey building ay may 12 classroom at sa bawat palapag ay may kaniya-kanyang palikuran at mga portable water fountain.

Mayroon ding klinika ang paaralan na pwedeng pagpahingahan kung sakaling may magkakasakit o mahihilo sa mga estudyante at guro.

Handa rin ang paaralan kung sakaling may mangyaring sunog dahil may inilagay na fire extinguisher sa bawat sulok ng eskwelahan.

Ang nasabing proyekto ay ginugulan ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.

(Eagle News Service, Joey Tagum)