Medical mission, isinagawa sa Tayug, Pangasinan

PANGASINAN (Eagle News) – Isang medical mission ang isinagawa sa Tayug, Pangasinan kamakailan.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Government at ng Department of Health Region 1 Medical Center.

Bukod sa libreng checkup at libreng gamot ay namigay din ng mga wheelchair at baston ang lokal na pamahalaan ng Tayug sa mga senior citizen na hindi kayang makabili ng mga ito.

Ayon kay Atty. Tyrone Agabas, ang medical mission na ito ay malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating mahihirap lalo na ngayong panahon ng tag-ulan kung kailan maraming tao ang nagkakasakit.

Umabot sa mahigit na isang libo ang naserbisyuhan ng medical mission na ito na lubos namang ikinatuwa ng lokal na pamahalaan at maging ng mga residente.Juvy Barca