Matinding traffic, naranasan sa Loma de Gato sa Marilao, Bulacan dahil sa dami ng tao na nais bumoto

(Eagle News) — Nagdulot naman ng matinding traffic congestion sa kahabaan ng Villarica Road, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan ang isinasagawang barangay at SK elections sa nasabing lugar.

Halos hindi kasi makausad ang mga sasakyan dahil sa dami tao na naglalakad sa halos isang lane ng kalsada upang tumungo sa Loma de Gato Elementary School upang lumahok sa synchronized barangay at SK elections.

Samantala, bukod sa dito ay payapa naman ang botohan sa mga voting precincts dahil marami ang nakatalagang bantay sa loob ng compound na maaaring mapagtanungan ng kani-kanilang voting precincts o anumang maaaring problemang babangon.Celso Simbajon, Marilao Bulacan