Mas mataas na buwis sa tabako, isinusulong ng DOH; Universal Health Care, nais mapondohan

(Eagle News) – Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang mas mataas na buwis sa tobacco products para makakuha ng mas maraming pondo para sa Universal Health Care Bill.

Ang Universal Health Care Bill ay aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara at Senado at hinihintay na lamang na masertipikahang urgent ng Malacañang upang ganap nang maipatupad.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang plano ng DOH ay hindi lamang para makalikha ng karagdagdang pondo para sa healthcare bill kundi para mabawasan na rin ang bilang ng mga Pilipino naninigarilyo.

Kung ang pakete aniya ng sigarilyo ay bubuwisan ng 97 pesos, tinatayang nasa isang milyong katao ang maililigtas sa pagkamatay dahil sa mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo.

Paliwanag pa ng kalihim, inaasahang bababa mula 21.6 sa 15.7 ang percentage ng mga naninigarilyong Pilipino kung ipatutupad ang mas mataas pang buwis sa tobacco.

https://www.youtube.com/watch?v=ZgO4Ucc63hw