Malaking bahagi ng Pangasinan nakararanas ng kawalan ng suplay ng kuryente

(Eagle News) — Nakararanas ngayon ng kawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Ernest Vidal, press relation officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng northern Luzon, nakararanas ng black out ngayon ang mga power consumer ng CENPELCO sa mga bayan ng Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Binmaley, San Carlos City, Malasiqui at Basista.

Ito ay matapos bumigay ang Malasiqui-Labrador 69 kilo volt line.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz ng CENPELCO, ongoing pa ang monitoring sa distribution lines ng naapektuhang linya.

Sa kasalukuyan ay nakataas ang storm signal #3 sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Binabayo ng hangin na may kasamang ambon ang lalawigan.

Nakaposisyon naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils at mga local disaater management teams katuwang ang mga line agencies ng Philippine National Police (PNP) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

(Eagle News Pangasinan Bureau Nora Dominguez)