Malaking bahagi ng Itogon, Benguet hindi na maaaring tirhan – Mayor Palangdan

(Eagle News) —  Hindi na umano maaaring tirahan o pagtayuan ng bahay ang malaking bahagi ng bayan ng Itogon, Benguet.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, sa isinagawang geo-hazard mapping ng mga otoridad matapos ang landslides dulot ng Bagyong Ompong noong Setyembre malaking bahagi ng naturang bayan ang idineklarang nasa critical danger zones habang ang ibang lugar ay may malaking tiyansa na makaranas ng ground movement.

Kabilang sa mga lugar na idineklarang no-build zone ang mga Barangay Ampucao, Gumatdang, Loacan at Ucab.

Samantala, nasa 700 pamilya na ang umalis sa kanilang mga bahay sa Itogon matapos ang landslides.

Matatandaang dahil sa magkakasunod na mga pag-ulan at Bagyong Ompong ay nagresulta ito ng landslide kung saan namatay ang halos 90 katao na karamihan ay mga minero na nakatira rito.

https://youtu.be/trKdle9KycM