Mahigit limampung police bomb expert ipadadala sa Bicol Region

AGOSTO 3 (Agila Probinsya) — Upang matugunan ang kakulangan ng mga bomb expert, limampu’t anim na pulis na eksperto sa pagdetonate ng bomba ang idedeploy sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya sa Camarines Sur.

Ang mga ito ay itatalaga sa buong probinsya ng Camarines Sur upang makatulong sa mabilis na pagresponde kung sakaling may mga banta ng pampasabog sa nasabing lalawigan.

(Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio)