Mahigit 900 pulis-Caloocan, balik serbisyo na


(Eagle News) — Balik na sa kanilang home station ang mahigit 900 pulis-Caloocan matapos ang kanilang isinagawang retraining program.

Nagkaroon ng dalawang buwang reorientation at retraining ang mga pulis na ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Mahigit isang libo ang bilang ng mga pulis na sumailalim sa programa, pero siyamnaraan pitumpu’t dalawa (972) lamang sa kanila ang nakapasa.

Mahigit isang daan naman ang bumagsak, kabilang ang mga inirekomendang i-assign sa labas ng Metro Manila.

Umaabot naman sa apatnapu’t isa ang muling sasailalim sa training, at tatlumpu’t apat naman ang hindi na umano fit para tumuloy pa sa police service.

Matatandaang isinailalim ang mga pulis sa retraining program kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay nina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa mga police operation.