Mahigit 20 na minahan sa Kabayan, Benguet, ipinasara

(Eagle News) — Ipinasara ng pulisya ang mahigit 20 minahan sa Kabayan, Benguet.

Ayon Kay Police Inspector John Dangiwan, Deputy Chief of Police ng Kabayan Municipal Police Station, ito ay alinsunod sa “stoppage order” ni Environment Secretary Roy Cimatu laban sa operasyon ng lahat ng small scale mining sa buong Cordillera Administrative Region.

Aniya, tinatayang aabot sa mahigit 50 small scale miners ang naapektuhan sa pagpapasara sa mga nasabing minahan lalo na sa Barangay Gusaran at Cotcot.

Gayunman, tiniyak ni Dangiwan na maayos ang naging usapan ng mga apektadong minero sa lokal na pamahalaan ng Kabayan, Benguet.

https://youtu.be/r2zmtM1P0_g