Mahigit 1,000 pasahero ng MRT3 pinababa dahil sa mga depektibong pintuan ng tren

(Eagle News) – Mahigit isang libong pasahero ng MRT-3 ang apektado matapos magkaproblema ang mga pinto ng tren nitong Biyernes, ika-13 ng Abril.

Pinababa ang mga pasahero sa Santolan-Annapolis Station pasado alas 8 ng umaga.

Ito ang unang pagkakataon na muling nagkaproblema ang tren matapos sumailalim sa maintenance service noong mahabang bakasyon.

Ayon sa pamunuan ng MRT, nangyari ang pagkasira sa pinto ng tren dahil sa pagsandal ng mga pasahero.

https://www.youtube.com/watch?v=0ZiXuQrCgVM&feature=youtu.be