Mahabang pila, nawawalang pangalan at mainit na panahon naman ang reklamo ng mga botante sa Surigao City

May ilang mga reklamo din ang mga botante  sa ilang presinto sa Surigao City. Jabes A. Juanite/Eagle News Service/

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga boboto sa iba’t ibang presinto sa Surigao City.

May mga nakatalagang pulis at naglagay din ng information table ang Commission on Elections (Comelec)  para sa mga gustong magtanong o nagkaproblema sa kanilang precinct number at polling place.

Marami ang nagrereklamo dahil hindi nila makita ang kanilang pangalan sa master list ng Comelec at ang iba ay nalipat ng paaralan dahil sa mga inaayos na silid-aralan.

Sa init ng panahon ang karamihan ay nakapayong habang pumipila para hindi sila masingitan. Jabes A. Juanite