Magpinsan sugatan sa insidente ng hit-and-run sa Caloocan

CALOOCAN CITY, Philippines (Eagle News) — Nabiktima ng hit-and-run ang isang magpinsan sa Caloocan City.

Ayon sa motorcycle rider na si Joey Moralos, papaliko na sana siya sa kanto ng Edsa at A. De Jesus para mag-u turn nang bigla na lamang silang banggain ng isang Mitsubishi Adventure, dahilan para pahulog sila ng kanyang angkas na si Joper Operario.

Dahil sa naturang aksidente, malaki ang naging galos sa binti ni Moralos habang sa braso naman ang sugat na natamo ni Operario.

Samantala, dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi naplakahan ng dalawa ang bumangga sa kanilang AUV na mabilis na tumakas matapos banggain.

https://youtu.be/gOSN3QitpN0