Magkakasunod na aftershocks nararanasan pa rin sa Surigao del Norte

(Eagle News) — Nararanasan pa rin ang malakas at magkakasunod na aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang magnitude 5.9 na lindol na tumama doon noong Biyernes, Pebrero 8.

Huling naranasan ang pagyanig na naitala sa bayan ng General Luna na may lakas na magnitude 3.7 na lindol.

Naitala ang lindol alas 6:31 kaninang umaga sa 16 kilometers northeast ng General Luna.

May lalim na 13 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Mula 11:06 ng umaga hanggang 4: 41 ng hapon ay nakapagtala muling nakapagtala ang Philippines Institute of Volcanology and Seismology ng anim na pagyanig sa lalawigan pa rin ng General Luna.