LRT-1 nagpatupad ng limitadong biyahe kanina dahil sa pagkasira ng isang kable

(Eagle News) — Nagpatupad ng limitadong biyahe kanina ang Light Rail Transit-1 dahil sa pagkasira ng isang kable.

Batay sa abiso ng LRT-1, naganap ang insidente sa Monumento station. Bunsod nito, nagsagawa na ang LRT-1 ng technical repair upang mai-alis na ito.

Nilimitahan ang biyahe ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Blumentritt at pabalik lamang.

Gayunman, kaninang alas 6:30 ng umaga, inanunsyo ng LRT-1 na balik na sa normal ang kanilang operasyon at nakakabiyahe na ang lahat ng mga tren mula Baclaran to Monumento at pabalik.