#LoveThrowback sa PICC Plenary Hall sa Feb. 13 na

Magsasama-sama sa iisang konsiyerto ang walong Oroginal Pilipino Music icons ng ating bansa. Magpe-perform sa iisang stage sina Rico J. Puno, Marco Sison, Chad Borja, Gino Padilla, Raymond Launchengco, Wency Cornejo, Roselle Nava at ang soul siren na si Nina.

Sila ang mga OPM icon na naging tatak musikang Pilipino. At totoo talagang namiss sila ng marami.

Sa kanilang concert, ibabalik nila ang mga awiting kinalakhan na ng marami sa atin. Mga awiting naging inspirasyon ng bawat isa sa atin.

Natutuwa din ang mga artists na ito na muli na namang silang magsasama sa iisang stage at ang ilan sa kanila ay first time din nilang makakasama.

Nagpasalamat din sila sa mga taong patuloy na tumatangkilik ng kanilang musika lalong-lalo na ang OPM lovers.

Ang #LoveThrowback ay gaganapin sa Plenary Hall ng PICC sa ika-labingtatlo ng Pebrero.