Local gov’t officials na dawit sa iligal na droga, kakasuhan ng DILG

(Eagle News) — Tuloy na ang pagsasampa ng kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga local government officials na dawit at protektor ng iligal na droga.

Katunayan, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na tuloy-tuloy ang case build up laban sa may siyamnapu’t anim na mga LGU.

Kinabibilangan ito ng mga gobernador, kongresista at mga alkalde.

Gusto raw nilang patunayan na may basehan ang kanilang mga report at hindi ito paninira lang lalo na sa mga kakandidato sa eleksyon.

“We are very serious in good governance. Dapat kung magboboto tayo yung talagang alam natin na walang sabit, walang information na involve sa drugs kahit reports mahirap mag convict sa korte apat o lima agensya magsasbi na invokvebsila mabigat sila,” pahayag ni Año.

Pagsasapubliko ng narco-list, hihilingin ng DILG kay Pangulong Duterte

Sabi ng kalihim, nakikipag-usap na rin sila sa Pangulo para hilingin na isapubliko ang pangalan ng mga nasa narco lists.

Pero sana raw umaksyon ang political parties at huwag nang i-endorso ang narco politicians.

Katuwiran ng kalihim kahit makasuhan mahabang proseso pa rin bago sila tuluyang ma-convict ng korte.

“Tuloy tuloy naman ang pag build-up ng cases sa kanila kaya lang eleksyon kung kaya naman mapatakbo ito. I’ll talk to Odea and to the members of the ICAD then maybe we will make recommendations to the President,” pahayag ng kalihim.

Ilang senador, pabor na ilabas ang narco-list na susuportahan ng ebidensya

Pabor ang ilang senador na ilabas ang listahan pero kailangan raw suportahan ng mga ebidensya.

Pero iginiit ni Senador Francis Escudero na kailangang unahin ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa mga opisyal para hindi maakusahang trial by publicity lang ang ginagawa ng gobyerno.

“Ang tanong ko nga may ebidensya nga ba o wala dahil kung meron bakit wala pang kinakasuhan. Pangalawa baka idadahilan ayaw nila palabasin. Lalabas tuloy na may ilang kongresista, gobernador o senador na involved tlaga sa droga pwes pangalanan nila,” ayon naman kay Escudero. (Eagle News Service Meanne Corvera)

https://youtu.be/IFkNOV8NeB0