Lingap Sa Mamamayan sa Coron, Palawan

Lingap Sa Mamamayan sa Coron, Palawan

by JC Montes

IMG_20160513_195425
Pamamahagi ng Lingap. Photo Credit: JC Montes

IMG_20160513_195113

Mayo 17 (Coron Palawan) Eagle News

Nagsagawa ng motorcade ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo alas-4:00 ng hapon noong Biyernes (Mayo 13) sa Sitio Malbato, sa Brgy. Bintuan, Coron, Palawan upang ipag-anyaya sa mga residente roon ang isasagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo.  Nilalayon ng ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo sa ilalim ng proyektong Kabayan Ko, Kapatid Ko na matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan, anumang relihiyon ang kanilang kinabibilangan.

Pagsapit ng alas-6:00 ng gabi ay dumagsa ang mga residente sa basketball court ng nasabing sitio.  Tumulong ang mga miyembro ng SCAN International upang mabilis na maipamahagi ang goodie bags na naglalaman ng bigas, noodles at sardinas.  Naging mapayapa at maayos ang isinagawang pamamahagi ng lingap sa mga residente. Labis ang kanilang pasasalamat na sila ay natulungan ng ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo.  Mahigit 300ang bilang ng residenteng nabigyan ng nasabing goodie bags.

 

Eagle News Correspondent, Palawan,