Latest Single ni JK Labajo na “Di Ka Man Lang Nagpaalam”, pumalo sa air waves

Masaya at sobra ang kagalakan ng batang singer/actor na si Juan Karlos Labajo sa panibagong success ng kaniyang latest single na “Di Ka Man Lang Nagpaalam”. Sa kaniyang pagbisita sa radio station na Pinas FM 95.5, ay kitang kita ito, at natutuwa siya’t muli siyang nakabalik sa himpilan.

Isang batang puno ng pangarap, puno ng pagmamahal at puno ng pag-asa, nagsimula ang career sa mainstream music scene ni JK sa kauna-unahang season ng The Voice Kids Philippines. Nagtuloy-tuloy ito hanggang mapabilang siya sa Final Four ng kompetisyon na ito. Inilabas ng MCA Music and compilation album nila. Dalawa rito ang kaniyang naging awitin, ang “Sway” at “Runaway Baby”. Hindi lamang sa singing nabigyan ng career si JK, maging sa pag-arte rin.

Excited na rin si JK sa paglabas ng susunod niyang single na “Summer Time Love”.

Nagpapasalamat naman si JK sa patuloy na pagsuporta ng marami niyang mga fans sa kaniya.

Naka-out pa rin ang self-titled album niya sa lahat ng digital stores worldwide at mga record bars outlet nationwide.