“LAKAD” tokhang campaign ng PNP, isinagawa sa Zamboanga del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang simultaneous LAKAD Tokhang o “Lipulin at Kalampagin ang Droga” ng Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga del Norte.

Ito ay bilang pagsuporta sa re-launched “Oplan Tokhang” ng kapulisan sa bansa.

Sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government, Philippine Drug Enforcement Agency,  mga estudyante at iba pang mga kawani ng local government unit at nongovernment organizations ang nakiisa at nakilahok sa programa ng PNP, na  sinimulan sa pamamagitan ng isang parada. Elmie Ello