Klase suspendido sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Isabela

ISABELA Province (Eagle News) – Suspendido na ang ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Isabela ngayong araw ng Miyerkules, October 19 at Huwebes (October 20, 2016).
Suspendido na rin ang pasok ng Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng opisina ng gobyerno at pati na ang private offices mula 1:00 ng hapon ngayong araw hanggang bukas upang maihanda ang kani-kaniyang mga tahanan sa pagdating ng super typhoon na si Lawin kapag ito ay nag-landfall na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Lanie Rasos- Romero – EBC Correspondent, Isabela