Klase sa mga paaralan sa Bacolod, suspendido dahil sa bagyong ‘Basyang’


 

BACOLOD, Negros Occidental (Eagle News) — Nagsuspende na ng klase ang lokal na pamahalaan ng Bacolod sa ilang antas dahil sa bagyong “Basyang.”

Kahapon pa lamang ay ipinaabot na ng alkalde na si Mayor Bing Leonardia na kanselado ang mga klase mula pre-school hanggang high school.

May mga eskwelahan na rin na nag-suspende ng kanilang klase hanggang kolehiyo dahil sa masamang panahon.

Samantala ang mga biyahe naman sa BREDCO port ay kanselado na rin, maging ang rolling cargoes na papuntang Iloilo ay pansamantalang nagkansela ng kanilang biyahe.

Nasa signal number 2 ngayon ang timugang bahagi ng Negros habang nasa signal number 1 naman ang hilagang bahagi ng lalawigan.

Ang tubig ng ilang mga ilog ay tumaas na dahil sa mg apag-ulan. (Christine Semillano, Eagle News Service)