Klase sa Davao City sa Lunes, suspendido dahil sa transport strike

DAVAO CITY,  Davao del Sur (Eagle News) – Sinuspende na ang klase ng ilang estudyante sa Davao City sa darating Lunes, Oktubre 16.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang suspensyon ng klase mula kindergarten hanggang kolehiyo ay bilang pagrespeto ng lokal na pamahalaan sa transport strike.

Kaugnay nito, magde-deploy rin ang lokal na pamahalaan ng mga bus para maayudahan ang mga pasahero.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang sasali sa strike at mga protesta na tiyaking walang kaguluhang magaganap.

Kabilang sa mga lalahok sa tigil pasada sa Oktubre 16 at 17 ay ang grupong Piston, bilang pagkondena sa modernization program ng gobyerno. (Eagle News Service)